hanggang dito pala number 1 pa din si duterte sa ratings. hindi ko pa alm kung sino ang iboboto ko sa dadating na election sa dami kasi ng naglalabasang issue sa mga kandidato. kanya kanyang siraan at ang daming trolls sa facebook ahaha. naisip ko tuloy parang mas mabuti pa siguro na yung alam kong hindi mananalo nalang ang iboto ko para hindi ako magsisi:D
Same here, chief. A little more than a week before the elections, e undecided pa rin ako. Dati naman, alam ko na agad kung sino ang gusto ko. Last 2010, Gibo-Bayani ako from the start. Sayang lang at parehong di nanalo. Ang sigurado ko pa lang ngayon ay yung VP ko ay si Leni. I think she's the most qualified and the most trustworthy person for the 2nd highest position in our country.
Parang wala naman akong nakikita dyan kay leni kundi sunod-sunoran lang. Mas maniniwala pa ako kay bongbong eh na nanindigan sa senado at least may will talaga.
Sa pagkapresidente si Digong parin, kung nakaya nya sa davao, kakayanin nya rin ang buong bansa - hindi madali pero unti-unti kaya nga yan.
Kung ibang presidente ang mahalal, mag-eedsa na nanaman uli tayo nyan baka EDSA 666 ang kayang gawin ng pinas dahil papalitan natin uli ang president once di natin magustuhan. isang dikta lang ng nasa oposissyon mag-EDSA agad.
gusto kong makita na ilagay ni digong ang bandila sa panatag shoal o sa spratlys!