Maka MDS ako pero aminin natin, si Poe ang umangat sa debate kasi very articulate siya at well research ang mga sagot nya. Ganun pa man, si MDS pa din iboboto. Eka nga nya, puro pangako mga katunggali nya pero saan kukunin ang pondo para sa mga pangako nila?
Nakakatawa lang si Binay dun sa commercial nya na tatanggalan ng income tax ang mga kumikita ng 30k pababa. Malabo yan kasi malaki ang epekto nyan sa pondo na nalilikom ng gobyerno.
Kay Poe naman, tungkol sa infrastructure sa Mindanao, madali lang sabihin na ipapasemento ang ilang libong kilometro pero babalik pa din ang tanong na kung saan kukunin ang pondo.
Kay Mar, magbibigay ng pautang sa mga mangingisda? Utang na naman? Gusto talaga tayo ilubog sa utang ng dyowa ni Koring no? Hindi pautang ang kailangan kundi subsidy. Fish tracker? Parang app lang sa gitna ng dagat? Hahaha. eh kung dito nga sa Metro Manila ang hina na ng net at pawala-wala, sa dagat pa kaya?
Kay Binay, bakit ba laging Makati na lang sinasabi? Sa opening speech pa nya nognog pa din ng nognog.
.......at kay Mike Enriquez, yun o! promis hindi nakakata mga hirit nya. Mukhang bangag na mali-mali.
para saken, lahat sila tumingkad sa debate, maliban kay roxas na malabo pa sa pinag liguan ng kalabaw ang naiisip and siya lang ang hindi cool, yung dalawang matanda na dapat gigil sa debate, mas cool pa tingnan kila grace poe and roxas...
Abangan natin, sa March 20 meron pang part 2 yan, pero TV 5 naman ang host...
at kay mik enrikits, ehem ehem, excuse me po, hindi ko maintindihan kung ano ang papel niya dun, kahit si jessica soho lang eh kayang kaya na po, ( aminin niyo, binasa niyo ito ala mike enriquez.. )
Oo nga. Puro pangako pa din at pagbibida ng kasalukuyang administrasyon. Nakakagigil at manang-mana sa amo nya puro pagkukumpara sa mga nagdaang administrasyon ang alam. Pag manalo talaga si Mar ay mawawalan na ako ng tiwala sa eleksyon dito sa Pilipinas. haha