May nagtitrade dito sa poloniex gamit ang usdt or digital dollar? Yun din ginagamit ko dun pag nagtitrade ako ng btc to usd. Basically, usd din kasi ung usdt. 1 is to 1 din ang palitan nyan sa tether.io
Kaya ko natanong naman, kasi hindi ko pa nasubukan magwithdraw ng usdt from polo. Usually, btc pa din ang winiwithdraw ko. Bale kasi pinapaikot-ikot ko lang dun. Sa day trade, kumikita ako ng 5 to 8 usdt a day. Mas malaki pa minsan kung mataas ang talon sa price ni btc.
Hindi ko rin maintindihan yong sa USDT na yan at XMR. Sa BTC lang rin ako tumatambay. Laki na ng puhunan mo sir BiTyro ah, dami mong tinitrade. Fulltime trader?
Hindi ko masasabi na fulltime trader ako kasi may day job naman ako. Isinisingit ko lang sa work ko. Haha. Lagi nakaopen ang mga trading platforms ko mapa sa office man oh pag nasa bahay ako. (Hindi naman fulltime tawag dun di ba? hehe)
Sa pagkakaalam ko, ang usdt ay digital dollar sya. So basically, kung ano ang rate ng usd ay yun din ang rate ng usdt dun sa poloniex. It is back up by a company na tether.io
Yung xmr, di ko alam yan. Nagpofucos kasi ako sa btc/usdt and a couple of altcoin na sa tingin ko ay may future.
Di naman kalakihan ng puhunan ko sa trading ngaun. Bumili kasi ako nun at yun ang ginamit pang umpisa magtrade at nakakalat un sa iba't ibang coin.
---------------------------------------------
Since nagstart ako sa sig campaign ng yobit, sinusubukan ko din magtrade dun ngaun. Nagtransfer ako ng kaunti dun plus yung kita ko campaign ang ginagamit ko. Gusto ko itry kung hanggang saan ko mapapalago ang kaunting puhunan. Pag naging successful yun, ishare ko dito kung paano ko nagawa. Sa ngaun kasi ay wala pa ako isang linggo sa yobit kaya wala pa akong data na maishare.
-------------------------------------------------
Recommend nga kayo kung anong alt coin ay my potential this month na pwedeng mag pump?
hindi ako nagtitrade base on pump/dump speculation. Maaari kasing mahuli ako sa pagpasok sa coin na yun at imbes na pataas ang price ay kabaligtaran na pala.
Pero pwede mo itry ang ETH.
Kung may isuggest man ako sayo ngaun, yun ay doge. Maganda ang trading volume nya dun sa polo at ang price ay naglalaro sa 65 to 80 sat. Pwede ka magride sa price wave nya kasi volatile sya ngaun. Kikita ka naman dito pero kaunti lang. Pero kung kaya mo naman makapagtrade ng 500k doge, malakilaki na din ang kita mo kahit sabihin pa nating 5 to 10 sat lang ang tubo mo sa bawat trade.