Mga boss yung e-givecash ba katulad din ng ibang mode of payment ng coins.ph na hanggang 2pm lang o walang oras ang withdrawal?
Kahit anong oras ang e-givecash as long as may magenerate na 16 digit code ang coins.ph through Security Bank.
Minsan kasi nagkakaissue sila sa pag generate nun kaya nag kakaroon ng delay.
Ganun ba. Mabuti naman. So kahit 4 PM ok pa din ano? Tatry ko mamaya haha. pasaway ang smart e tagal ng smart money card ko.
Ok pa din yan kahit 6:00pm nakakapag cash out ako, pero warning na din pag weekend medyo sablay sila sa cash out through e-givecash kaya wag kang umasa sa coins.ph pag Saturday & Sunday lalo na pag Holiday.
Ay ganun ba. Ngayon kaya boss? Ok magcash out? May office ba ang coins.ph ngayon? Haha.. sana umabot. Sayang kasi ang laki ng fee kapag papa encash sa ibang tao.

May office sila ngayon, mayang 6:00PM mag cash out din ako using e-givecash, antay ko lang yung payment sa akin galing signature campaign
May minimum nga pala ang e-givecash which is 500 pesos