Kamusta ang ulan dyan sa inyo?
Binabayo na kami dito sa Malabon, lakas ng ulan, malamang baha nanaman dito pag gising ko sa umaga.
Ay grabe dito brad sa laguna, malamang pag gising ko din baha na pero wag sana kasi nkakapagod maglinis ng putik na naiiwan ng baha hehe
Ang lamig kanina pauwi, tumigil na muna sa sa gas station sobrang lakas ng ulan at lamig, di ako makakita gaano, mahirap na baka mahagip pa ng bus sa Edsa. Ito ang hirap pag naka motor at umuulan.
Katatapos lang sa amin dito sa Luzon ngayon sa Visayas at Mindanao ang punterya na darating na mga bagyo. Sa mga kabayan natin na nahagip ng bagyong Nano sa kanila, ingat-ingat nalang. Balita may paparating nanaman na bago kaya keep safe and be alert always.
Onyok daw ang pangalan ng panibagong bagyong darating. #HayNakooo