Di ko maintindihan mga article. Sa binigay ni op sabi binigay niya private key. Pero sa iba ang sabi bitcoin addresses lang at hindi private key. Maraming hindi naniniwala sa kanya, ang dami niya ng exposure na nagawa para lang dya at mas lalo siyang sumisikat. Abangan nalang natin sa deadline pero hindi naman talaga siya si satoshi para sakin.
Malamang address lang dahil kung totoo man na sa kanya ang addresses na iyon bakit niya ibibigay ang private key? Makokontrol na ng iba ang kanyang bitcoin kung ibibigay niya ang privatekey nito. Sa totoo lang, ang kailangan lang gawin ni Craig Wright ay mag sign message sa isa sa mga known address ni Satoshi at tapos na ang usapan.
Kung sakali man na mapatunayan na siya talaga si Satoshi, malamang malaki ang bentahe ng rebelasyon na ito sa kanyang coin, BSV.