Di ko na mabilang kung ilang beses may thread na na merge ko dun sa existing discussion ng corona, but I think kailangan nating ng isang thread lang, yung seryoso, I'll be watching this, hanggang sa matapos ang home quarantine sa Pilipinas...
Hopefully, lahat kayo nasa bahay, and may time mag research, ng mga pwede maka tulong na information and pwede ma ishare dito, para sa kaalaman ng lahat...
Kung may chance kayo to donate sa mga nasa frontline, do it, abutan niyo kahit man lang bottled water pag may nadaanan kayo na checkpoint, ang init ngayon, baka sila naman ang mapahamak...
Yung mga hanggang 1 month ang stock na bigas, kayang kaya mamalengke araw araw, wag nang kukuha ng pinamimigay ng barangay, ipaubaya niyo na yun sa mga walang wala talaga...
Huwag tayo maging counter productive ngayon, panahon to na dapat tulong tulong
Stay safe... Huwag mainit ang ulo na hindi nakaka labas, o di nakaka order sa online shops...

Good vibes...
