>> (p.1)
    Author Topic: [Sep 2025]Mempool empty, Pag samahin ang inyong malit na inputs @0.28 sat/vbyte  (Read 90 times)
    Peanutswar (OP)
    Legendary
    *
    Offline Offline

    Activity: 2114
    Merit: 1748


    The Alliance Of Bitcointalk Translators - ENG>FIL


    View Profile
    October 04, 2025, 11:46:18 AM
    Merited by LoyceV (4), mindrust (3), cryptoaddictchie (1), Porfirii (1), GazetaBitcoin (1)
     #1

    Orihinal na akda ni: LoyceV
    Orihinal na paksa: [Sep 2025]Mempool empty, Consolidate your small inputs @0.28 sat/vbyte




    Mods: naisip kong hindi dapat ito para sa Technical Support na tanong, pero parehas ito sa sobrang daming request na mga threads noong mga nakaraan, at para na din mabawasan ang mga ganito sa mga susunod pa. Kaya ko ito pi-nost dito

    Pinagmulan
    Tuwing nagiging congested ang Bitcoin network, tumataas ng tumataas ang fee nito. Lahat ng mga wallet noon ay naka "dynamic fees", kaya naman lahat sila ay nag uunahan para sa mabilis na confirmation. Kaya nag resulta ito bilang pag dami at pag taas ng fees. Dati, mayroon isang 600 Satoshis/byte ang kailangan para lang magkaroon ng mabilis na confirmation.
    Ang resulta: ang mga board ay napuno ng mga usapan na tulad ng: "Ang transaksiyon ko ay naipit na halos 2 linggo na, tulungan nyo ako". At simula noon, hindi na nagkaroon ng ganito, kaya ngayon gusto ko ulit mag bukas ng ganitong usapin pero "kabaliktaran" naman.


    Halimbawa
    18 na araw ang nakararaan, may isang tao ang gumawa nito kung saan mayrong 4909 bytes na transaksiyon at may 33 inputs at 510 Satoshis/byte na fees. Pag katapos nito mag bayad ng fees, ang kanyang 0.033BTC ay naging 0.0079539BTC. Kung saan ito ay naging 20 Satoshis/byte fee, at sya ay naka tipid ng 0.024BTC. Kaysa mag bayad ng 0.0079539BTC, kung saan maari syang mag bayad ng 4 beses o higit pa!


    Oportunidad
    Simula last week, ang mga fees ay bumababa na ulit. At sa mga sumunod na buwan, kahit na yung mga transactions ay 1 Satoshi/byte ay hinaabot pa ding ng halos 1 oras bago ma-confirm..
    kung kayo ay nangongolekta ng mga faucet dati, panigurado ay marami kayong input na halos 0.000xBTC. Ilang linggo lang ang makalipas, lahat ng mababa sa 0.001BTC ay hindi kaya bayaran ang mga fee. Kung nilagay nyo ito sa pinaka mababang fee ay, maari mong pag isahin hanggang sa 2000 Satoshis (0.00002BTC).


    It's good for everyone
    If you make a big transaction with high fees when the network is congested, you take up a lot of scarce block space. This makes the congestion even worse.
    By making a big transaction when the network isn't congested, you're prepared to be able to make a much smaller transaction once the network is congested again, without adding much to the congestion.


    Maganda ito para sa lahat
    Kung ikaw ay gumawa ng malaking transaksiyon na mayroong malaking fee kahit na ang network ay congested, mas kumuha kapa lalo ng espasyon sa isang block. Dahilan na mas lalong tatagal ito.
    Kung ikaw ay gumawa ng malaking transaksiyon kung saan ang network naman ay hindi congested, mas mainam na gumawa ka ng mga maliit lamang na transaksiyon para hindi ka lalo mag dagdag ng congestion sa block


    Pag sasama ng mga small inputs
    Kung ikaw ay may maraming small inputs, ito na ang magandang oras para mag sama sama ka para sa isang bagong input! Kung hindi ka lang naman nag mamadali sa iyong confirmation, kung saan maari kang mag lagay ng pinaka mababang fee at mag intay na lang. Pag ito ay na confirmed na, malilipat na ang iyong funds sa isang mas maliit na transaksiyon, kung saan mas nakatipid ka pa sa fees, kung gusto mo ulit gumawa ng transaksiyon. Pag mayroon kalang saktong small input maari kang masa tipid ng halos 95% o higit pa sa fees!


    Paano
    Ngayon ito ang medyo nakakalitong parte: depende ito sa inyong wallet! Mas madali ito kung ise-send mo ang lahat ng balance mo sa isang bagong wallet. Para mas mabilis ninyo malagay ang inyong mga fee!
    Ako mas gusto ko nakalagay yung "Enable coin control" sa Bitcoin core, maari ninyo itong gawin din dito sa Electrum. Piliin lang ang input na gusto mo gamitin at mag iwan lang ng onting dust input ( sabihin nating 0.00001BTC, meron pa din itong bayad pero mas okay na din ito). At ipadala ang lahat ng selected input sa isang bagong address.
    Kung marami naman kayong ibat ibang input, Mas ma rerecommenda ko na mag consolidate kayo. Huwag kayo gumawa ng 100,000 bytes transaksiyon na may500 inputs, kundi gumawa na lang kayo ng mga transaksiyon na may 20-ish inputs.
    /size]

    Kung ang wallet nyo naman ay walang ganito na maari kayong mag set ng fee or mayroong coin control, maari kayong mag export ng private key sa kanila papunta sa inyong wallet. Ganun pa man ay para sa ibang usapin na ito

    Pang Pribado
    Pag samahin ang inyong mga input at ilagay ito sa blockchain. Wala din naman itong pinag kaiba sa pag gamit mo ng funds sa ibang transaksiyon, pero mas mainam na alam mo rin ito bago gawin.


    SegWit
    User Wind_FURY ay nakakita ng mas kumpleto paano ito gamitin Techniques to reduce transaction fees, kasama na dito ang pag gamit ng SegWit addresses.



    Mga Fee estimators

    Walang spam
    Lahat ng thread ko ay self-moderated para iwasan ang mga signature spam. Tatanggalin ko ang hindi pasok dito. Pag nag quote ka ng buong OP, ito ay tatanggalin.
    Ako ay palaging mag lilinis ng post dito sa thread


    Disclaimer
    Use this information at your own risk. At all times, think before each action, especially when you're dealing with private keys. When in doubt, don't do it!
    I'm human, I make mistakes. If something is incorrect, please let me know.

    [/quote]

    Paglilinaw
    Gamitin ang impormasyong ito na may ibayong pag iingat. Sa lahat ng oras, mag isip muna bago gumawa ng aksiyon, lalo na pag kayo ay gumagamit ng private keys. Pag hindi sigurado, huwag gawin!
    Tao lang din ako, nagkaka mali. Kung may hindi tama, pakiusap sabihin ninyo agad sa akin

    Pages: [1]
      Print  
Page 1
Viewing Page: 1