fullfitlarry
Sr. Member
  

Activity: 518
Merit: 372
You Attract What You Are
|
 |
June 05, 2026, 11:38:07 PM |
|
8. MixCoin bumalik mula sa talaan ng nilalalaman Ang Mixcoin ay isang konsepto na gumawa ng pananagutan sa serbisyo sa mixing 18. Ang implementasyon ng Mixcoin ay hindi nangangailangan ng pagbabago sa Bitcoin protocol para lang magamit ito ng madali ng mga user. Sa Mixcoin, mayroong dalawang partido na kasali. Ang unang partido ay ang partido na gustong mag-randomize ng Bitcoin, at ang pangalawang partido ay ang partido na nagbibigay ng serbisyong randomisasyon. Ang pananagutan ng Mixcoin ay nagsisilbing patunay na transaksyon. Kung ang nagbibigay ng serbisyo ay nagdadaya sa pamamagitan ng pagnanakaw sa bitcoin ng gumagamit, mabubunyag ang ebidensya ng pinagkasunduan, kaya't masisira ang reputasyon ng nagbigay ng serbisyo.
Ang panganuhing diagram ay naglalarawan ng Mixcoin Protocol18:

Ilang hakbang ang kailangang gawin ng gumamit A at ang nagbibigay ng serbisyo M. Ang gumamit A ay hihingi ng serbisyong kahilingan kay M na gumawa ng isang bitcoin transaksyon. At kung pumayag si M, si M ay gagawa ng pirma at impormasyon sa transaksyon na hiniling ni A gamit ang private key ni M. And pinirmahang datos ay ebidensya and ito ay itatago ni A ay pwedeng beripikahin ng kahit sino man gamit ang public key ni M. Susunod, Si A ay magbabayad ng halaga ng bitcoin na inaprobahan kay M, kasama na rito ang bayad sa transaksyon kay M. Kapag si M ay naging tapat at pinadala ang bitcoin na pinagkasunduan, ang katibayan ay pwede nang alisin. Ngunit kung si M ay nandaya, puwedeng ilathala ni A ang katibayan na hindi sinasabi na hindi tapat si M.
Sanggunian: 18. J. Bonneau, A. Narayanan, A. Miller, J. Clark, J.A. Kroll, and E.W. Felten, "Mixcoin: Anonymity for Bitcoin with accountable mixes," in Financial Cryptography and Data Security, ed: Springer, 2014, pp. 486-504. Link to download (PDF): http://www.jbonneau.com/doc/BNMCKF14-FC-mixcoin_proceedings.pdf - Dimaz A.W. & Oscar D., Blockchain dari Bitcoin untuk Dunia, page 107-109, 2017: Jasakom - Iba pang sanggunian tingnan ang post #1
9. Merge Avoidance bumalik mula sa talaan ng nilalalaman Merge avoidance ay isang termino na ipinakilala ni Mike Hearn upang tukuyin ang mga isyu sa privacy ng bitcoin. Merge avoidance ay ang ideya na pagbabahagi ng isang tiyak na bilang ng mga transaksyon ng Bitcoin sa ilang mga transaksyon para maiwasang matukoy ang gumagamit ng partikular na halagang ipinapadala galing sa isang gumagamit patungo sa isa pa19. Sa paglutas ng mga transaksyon gamit ang maliit na halaga ng bitcoin, ang pagkakakilanlan ng mga transaksyon ay magiging mahirap tukuyin.
Merge avoidance ay kapaki-pakinabang sa ilang pagkakataon; halimbawa, sina Alice at Bob ay nagtrabaho sa isang kumpanya at binayaran ng bitcoin ng kanilang kumpanya. Pinagsususpetsyahan ni Bob na mas maliit ang kanyang nakukuhang sweldo kaysa kay Alice, kaya pwede niyang tanungin si Alice na magpadala ng maliit na halaga ng Bitcoin. Mula doon, puwedeng suriin ni Bob kung anong transaksyon ang nagiging bayad sa sahod para kay Alice at patunayan ni Bob ang kanyang hinala.
Mga katangian ng pagpapatupadAng iskema na ito ay may ilang bagay na nagpapadali sa pagpapatupad nito: - Maaari itong isulat nang paunti-untiisang simpleng at hindi masyadong matalinong algoritmo ay maaari pa ring mapabuti ang privacy ng isang tao. Sa kalaunan, mas mahusay na algoritmo ay puwedeng gawin at ilunsad, ngunit hindi nito kailangan ang anumang kumplikadong pandaigdigang pag-upgrade. Ito ay magandang angkop sa boluntaryong pinatatakbo at pabago-bagong modelo ng pag-unlad ng Bitcoin na nakabatay sa kompetisyon sa mga wallet.
- Ito ay nakapa simple at walang gumagalaw na bahagi o malalaking state machine. Hindi mo kailangang mag-alala tungkol sa random na mobile phone sa kabilang bahagi ng mundo na nagmamaneho sa isang tunnel sa maling sandali, o sa pagtakbo ng isang buggy na reimplementasyon ng isang software.
- Walang sentralisasyon, ni kahit anong transient rendezvous servers.
- Walang mga legal na panganib, dahil hindi ka umaasa sa mga serbisyo na maaaring ituring na mga tool sa money laundering.
- Matibay ito. Sa itaas, nagbigay ako ng mga halimbawa kung paano ang CoinJoin ay ipinapakita na gumagana, ngunit ito ay nakakapag-leak pa rin kapag kaunti lang ang karagdagang impormasyon. Ang Merge Avoidance ay walang ganoong problema.
Mayroon ding ilang mga kahinaan: - Kung gaano kagaling ang iyong privacy ay nakasalalay nang malaki sa kung gaano katalino ang mga taong nagpapadala sa iyo ng pera sa pag-aayos ng mga transaksyon. Kaya ang iyong privacy ay nakasalalay sa mga taong maaaring walang sapat na insentibo para gawin ito. Sana ay ang karaniwang software wallet ay gumawa ng tamang hakbang sa una pa lamang
- Pinapataas nito ang bilang ng mga transaksyon, bagama't hindi kasing taas ng iniisip mo ang overheadang transaksyon ay isa lamang listahan ng mga input, output, at two-field header (bersyon at oras ng pag-lock). Ang inputs at outputs ay talaga nagbabago sa ibabaw implementasyon sas CoinJoin, ang bersyon at oras ng pag-lock ay madaling ma compressed/varint encoded para makatipid ng espasyo. Ang pagkakaiba ay nasa antas ng mga byte kaysa sa kilobyte.
- Nakasalalay ito sa protocol ng pagbabayad. Ngunit maraming bagay ang nakasalalay dito, at ang protocol ng pagbabayad ay kritikal sa pagpigil sa muling paggamit ng mga address, na kailangan sa lahat ng iminungkahing mga iskema ng privacy para gumana ang lahat. Napakaimportante na gawing kasingdali at kasinglaganap ang BIP70.
Sanggunian: 19. M. Hearn. (Dec 11, 2013). Merge avoidance A note on privacy-enhancing techniques in the Bitcoin protocol. https://medium.com/@octskyward/merge-avoidance-7f95a386692f - https://bitcoinfoundation.org/forum/index.php?/topic/572-merge-avoidance/ - Proposal to add Merge Avoidance extension to Payment Protocol - amincd https://bt.irlbtc.com/view/1120137.0 - Dimaz A.W. & Oscar D., Blockchain dari Bitcoin untuk Dunia, page 109, 2017: Jasakom - Iba pang sanggunian tingnan ang post #1
10. Mixing Service bumalik mula sa talaan ng nilalalaman May iba pang mga paraan upang tugunan ang mga isyu sa privacy sa mga transaksyon sa Bitcoin, isa na rito ang paggamit ng mixer services (randomization).
 Bitcoin Mixing20
Ang mga serbisyong ito ay may iba't ibang paraan ng pagmi-mix ng ating Bitcoin. Gayunpaman, ang mga pamamaraan ng paggamit ay maaaring iklasipika sa dalawang grupo. 21.
Sa unang grupo, ang serbisyo ay hihilingin sa mga gumagamit na ipadala ang Bitcoin sa isang virtual wallet na kontrolado ng serbisyo, para ang mga gumagamit ay makakuha ang kanilang bitcoin para maipadala sa isa namang Bitcoin address. Ang tagapagbigay ng serbisyo ay ipagpapalit ang Bitcoin ng gumagamit sa ibang bitcoin na walang kaugnayan sa kanyang naunang bitcoin. Kung ang gumagamit ay gustong magbayad ng coin sa ibang partido, maaari nilang ilagay ang destination address na babayaran ng tagapagbigay ng serbisyo.
Ang pangalawang grupo ay isang serbisyo na pinagsasama-sama ang ilang transaksyon sa isang malaking transaksyon gamit ang konsepto ng CoinJoin (ang mekanismong ito ay pinagsasama ang ilang magkakatulad na transaksyon sa isang transaksyon na binubuo ng maraming inputs at outputs).
Kapag ginagamit ang serbisyong katulad nito, kailangan nilang magbayad ng serbisyo sa bitcoin sa tagapamahala na nasa pagitan ng 0.5% hanggang 3%. Bagama't maaaring mapataas ng mga serbisyong tulad nito ang anonymity, may mga panganib ding dinadala ang mga gumagamit, dahil hindi na nila makokontrol ang kanilang bitcoin kapag ipinapadala ito sa tagapamahala ng bitcoin address. Ibig sabihin, kapag ang tagapamahala ng serbisyo ay nandaya sa pamamagitan ng pagnanakaw ng bitcoin ng gumagamit, wala nang magagawa ang gumagamit dahil hindi mo na mababawi ang lahat ng transaksyon sa bitcoin.
Sa thesis ni Felix Maduakor 20 on Mixing Services Anonymous Bitcoin Transactions, pages 18-20, ang Mixing Method ay hinati sa tatlong katergorya https://www.dropbox.com/s/3yapwyfz72tvswh/BA_mixing_services.pdf?dl=0 Ang sumusunod ay isang buod ng mga kategoryang ito:
1. Decentralized Mixing (P2P Mixing)
 Pigura ng P2P Mixing Service
May mga ilang scientific papers, tungkol sa mga algoritmo na nagpapahintulot ng paglipat ng bitcoin anonymously, ay nailakhala. Ang ilan sa mga algorithm na ito ay ipinatupad sa iba't ibang cryptocurrency ng default. (halimbawa: Zerocash22), ngunit sa oras ng pagsusulat nito [-thesis-], wala pang pamamaraan ang malawakang naipatupad sa Bitcoin network. Hindi tulad ng Centralized Mixing Services (CMS), Ang P2P Mixing ay kailangang isama sa software ng Bitcoin wallet upang ma-access ito at magamit.
2. Centralized Mixing Services (CMS)
 Isang pigura sa Centralized Mixing Services
Ang Centralized Mixing Services (CMS) ay karaniwang pinapatakbo ng mga commercial na website providers na nag-a-advertise na kaya ng kanilang serbisyo na gawing anonymize ang mga transaksyon ng Bitcoin. Ang CMS ay kadalasang naniningil ng bayad na hanggang 3% ng paunang halaga ng mga coins na hindi pa nabebenta. Madalas ginagamit ang P2P mixing algorithm ng mga CMS.
3. Off Chain Mixing
Ang publiko ay puwedeng ma-access ang bawat transaksyon na ipinapadala sa Bitcoin network sa pamamagitan ng Bitcoin blockchain. Gayunpaman, kamakailan lamang ay nagkaroon ng maraming siyentipikong pagsisikap upang makahanap ng mga solusyon sa pagpapadala at pagtanggap ng mga Bitcoin transaction nang hindi na kailangang ilathala ang mga ito sa blockchain. Kabilang sa mga solusyong ipinatupad para sa problemang ito ay Lightning Network. Lightning Network ay humahantong sa mga transaksyon na halos agaran at maaaring alisin ang gastos sa transaksyon.
-snip- Ang anonymity ay napakahirap, lalo na sa blockchain-based na sistema na kung saan ang mga datos ay nasa publiko, ngunit pati na rin sa iba pang mga lugar (halimbawa, may ilang kilalang kahinaan ang Tor.). Palagi kang dapat kumilos na inaasahan mong kahit anong sistema ng anonymity ang gagamitin mo sa huli ay mabibigo ka par rin. Kung kailanman ay kumpiyansa ka sa iyong pagiging anonymous, mali ka.. ...
-snip- Na kahit na mukhang maaasahan mo ang ang mixing service/a mixing algorithm sa kasalukuyan, sa pamamagitan ng leak/implementation fault, maaaring matukoy ng isang umaatake ang pagkakakilanlan ng anumang nakaraang transaksyon na naproseso ng serbisyo ng mixing services. At kahit na maayos na ang serbisyo at walang depekto sa implementasyon, ang bawat transaksyon na naproseso bago ito maayos ay tuluyang mahihinang protektado. -snip-
Paghahambing sa pagitan ng Bitcoin Mixer at CoinJoin23:
| # | Mixer | CoinJoin | | 1 | Closed-source at ang sistema ay hindi ma-beripika. | Open-source at hindi ma-beripika ng sistema (sa pangkalahatan). | | 2 | Ang mixer ang nagkokontrol ng coins. | Ang gumagamit ang nag kokontrol ng coin | | 3 | Ang Privacy ay nawawala kung ang mixer ay patuloy na ginagawa ang aktibidad sa mixing o ang paraan ng mixing ay hindi tama.[24] | Ang Privacy ay nawawala kung ang pagpapatupad ng CoinJoin ay hindi tama. |
Ilang Bitcoin Mixers Bitcoin Tumblers website links na tinipon ni LeGaulois25: https://bt.irlbtc.com/view/2827109.msg28964833#msg28964833
Sanggunian: 20. Anonymous Bitcoin Transactions. Felix Maduakor https://www.dropbox.com/s/3yapwyfz72tvswh/BA_mixing_services.pdf?dl=0 21. Dimaz A.W. & Oscar D., Blockchain dari Bitcoin untuk Dunia, pages 109-110, 2017: Jasakom 22. Eli Ben Sasson, Alessandro Chiesa, Christina Garman, Matthew Green, Ian Miers, Eran Tromer, and Madars Virza. Zerocash: Decentralized anonymous payments from bitcoin. In Security and Privacy (SP, 2014 IEEE Symposium on, pages 459-474. IEEE, 2014 23. https://bt.irlbtc.com/view/5125545.msg50811291#msg50811291 - ETFbitcoin 24. Breaking Mixing Services - madu 25. 2019 List Bitcoin Mixers Bitcoin Tumblers Websites - LeGaulois - [Guide] Decent mixing methods - theymos - What is Bitcoin Mixer? - RapTarX - Anonymous Bitcoin Transactions. P. Martin and A. Taaki. (2013, August 25, 2015/0) - CoinJoin: Bitcoin privacy for the real world by gmaxwell - Iba pang sanggunian tingnan ang post #1
|